JOB 35
35
Pinaratangan ni Eliu si Job na nagaaring ganap sa sarili.
1Bukod dito'y sumagot si Eliu, at nagsabi,
2Iniisip mo bang ito'y matuwid?
O sinasabi mong: Ang aking katuwiran ay higit kay sa Dios,
3Na iyong sinasabi, #Job 21:15; 22:2. Anong pakinabang ang tatamuhin mo?
At, anong pakinabang ang tataglayin kong higit kung ako'y nagkasala?
4Sasagutin kita,
At #Job 34:8, 36. ang iyong mga kasamahang kasama mo.
5 #
Job 22:12. Tumingala ka sa mga langit at iyong tingnan;
At masdan mo ang mga alapaap na lalong mataas kay sa iyo.
6Kung ikaw ay nagkasala, #Kaw. 8:36; Jer. 7:19; Job 22:2-3. anong iyong ginagawa laban sa kaniya?
At kung ang iyong mga pagsalangsang ay dumami, anong iyong ginagawa sa kaniya?
7 #
Rom. 11:35. Kung ikaw ay matuwid anong ibinibigay mo sa kaniya?
O anong tinatanggap niya sa iyong kamay?
8Ang iyong kasamaan ay makapagpapahamak sa isang lalaking gaya mo;
At ang iyong katuwiran ay makapagpapakinabang sa anak ng tao.
9 #
Ex. 2:23. Dahil sa karamihan ng mga kapighatian, sila'y humihiyaw:
Sila'y humihingi ng tulong dahil sa kamay ng makapangyarihan.
10Nguni't walang nagsasabing, Saan nandoon ang Dios na Maylalang sa akin,
#
Awit 42:8; 77:6; Gawa 16:25. Na siyang nagbibigay ng awit kung gabi;
11Na siyang nagtuturo sa atin ng higit kay sa mga hayop sa lupa.
At ginagawa tayong lalong pantas kay sa mga ibon sa himpapawid?
12Doo'y tumatawag sila, nguni't walang sumasagot,
Dahil sa kapalaluan ng mga masamang tao
13Tunay na hindi didinggin ng Dios ang walang kabuluhan,
Ni pakukundanganan man ito ng Makapangyarihan sa lahat.
14 #
Job 9:11. Gaano pa kaliit kung iyong sinasabing hindi mo nakikita siya.
Ang usap ay nasa harap niya, at iyong hinihintay siya!
15Nguni't ngayon sapagka't hindi niya dinalaw #Blg. 16:29. sa kaniyang galit,
Ni ginunita mang maigi;
16 #
Job 34:35. Kaya't ibinubuka ni Job ang kaniyang bibig sa walang kabuluhan;
Siya'y nagpaparami ng mga salita na walang kaalaman.
Kasalukuyang Napili:
JOB 35: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982