JONAS 2
2
Ang panalangin ni Jonas.
1Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda.
2At kaniyang sinabi,
Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati,
At siya'y sumagot sa akin;
Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw,
At iyong dininig ang aking tinig.
3Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat,
At ang tubig ay nasa palibot ko;
#
Awit 42:7. Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin.
4At #Awit 31:22. aking sinabi, Ako'y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata;
Gayon ma'y titingin ako uli sa #Awit 5:7. iyong banal na templo.
5Kinukulong #Awit 40:12. ako ng tubig sa palibot #Awit 69:1. hanggang sa kaluluwa;
Ang kalaliman ay nasa palibot ko;
Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo.
6Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok;
Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man:
Gayon ma'y isinampa mo ang aking buhay #Awit 16:10; 30:9; 55:7. mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.
7Nang ang #Awit 107:5; 142:3. aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon;
#
Awit 18:6. At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.
8Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya
Binabayaan ang #Awit 144:2. kanilang sariling kaawaan.
9Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng #Awit 50:14, 23; 116:17, 18. pasasalamat;
Aking tutuparin yaong aking ipinanata.
Kaligtasa'y sa Panginoon.
10At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.
Kasalukuyang Napili:
JONAS 2: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982