Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 26

26
1At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
2Nalalaman ninyo #Mar. 14:1, 2; Luc. 22:1, 2; Juan 11:55; 13:1. na pagkaraan ng dalawang araw ay darating ang paskua, at ibibigay ang Anak ng tao upang ipako sa krus.
3Nang magkagayo'y ang mga pangulong saserdote, at ang mga matanda sa bayan ay nangagkatipon sa #Mar. 14:54; Juan 18:15. looban ng dakilang saserdote, na tinatawag na #Luc. 3:2; Juan 11:49. Caifas;
4At sila'y nangagsanggunian upang hulihin si Jesus sa pamamagitan ng daya, at siya'y patayin.
5Datapuwa't sinabi nila, Huwag sa kapistahan, baka magkagulo sa bayan.
6 # Mar. 14:3-9; Luc. 7:36-50; Juan 2:1-8. Nang nasa #Mat. 21:17. Betania nga si Jesus sa bahay ni Simon na ketongin,
7Ay lumapit sa kaniya ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro ng unguento na lubhang mahalaga, at ibinuhos sa kaniyang ulo, samantalang siya'y nakaupo sa pagkain.
8Datapuwa't nang makita ito ng mga alagad, ay #Juan 14:4. nangagalit sila, na nangagsasabi, Ano ang layon ng pagaaksayang ito?
9Sapagka't ito'y maipagbibili sa #Mar. 14:5; Juan 12:5. malaking halaga, at maibibigay sa mga dukha.
10Datapuwa't nang mahalata ito ni Jesus ay sinabi sa kanila, Bakit ninyo binabagabag ang babae? sapagka't gumawa siya sa akin ng mabuting gawa.
11Sapagka't laging nangasa inyo ang mga dukha; datapuwa't ako'y hindi laging nasa inyo.
12Sapagka't sa pagbubuhos niya nitong unguento sa aking katawan, ay ginawa niya ito upang ihanda ako sa #Juan 19:40. paglilibing.
13Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Saan man ipangaral ang evangeliong ito sa buong sanglibutan, ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya.
14 # Mar. 14:10, 11; Luc. 22:3-6. Nang magkagayo'y isa sa labingdalawa, na tinatawag na #Mat. 10:4; 27:3. Judas Iscariote, ay naparoon sa mga pangulong saserdote,
15At sinabi, #Mat. 27:3. Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin, at siya'y ibibigay ko sa inyo? At siya'y tinimbangan nila ng #Ex. 21:32. tatlongpung putol na pilak.
16At buhat nang panahong yao'y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya.
17 # Mar. 14:12-16; Luc. 22:7-13. Nang #Ex. 12:6, 18. unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsisipagsabing, Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua?
18At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan #Mar. 14:13. sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi #Juan 11:28. ng Guro, malapit na ang #Juan 7:6, 8. aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad.
19At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua.
20 # Mar. 14:17-21. Nang dumating nga ang gabi, #Luc. 22:14. ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad;
21At samantalang sila'y nagsisikain, ay sinabi niya, #Juan 13:21. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.
22At sila'y lubhang nangamanglaw, at nagpasimula ang bawa't isa na magsabi sa kaniya, Ako baga, Panginoon?
23At siya'y sumagot at sinabi, #Juan 13:18. Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin.
24 # Luc. 22:22. Ang Anak ng tao ay papanaw, #Luc. 24:25-27, 46. ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't #Juan 17:12. sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak.
25At si Judas, na sa kaniya'y nagkanulo, ay #Juan 13:26. sumagot at nagsabi, Ako baga, Rabi? Sinabi niya sa kaniya, Ikaw ang nagsabi.
26 # Mar. 14:22-25; Luc. 22:19-20; 1 Cor. 11:23-25. At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.
27At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;
28Sapagka't #Ex. 24:8. ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos #Mat. 20:28. dahil sa marami, #Mar. 1:4. sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
29Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, #Luc. 22:18. na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo #Luc. 22:30. sa kaharian ng aking Ama.
30 # Mar. 14:26-31. At pagkaawit nila #Awit 113–118. ng isang himno, ay #Juan 18:1. nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo.
31Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay #Mat. 11:6. mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, #Zac. 13:7. Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan.
32Datapuwa't pagkapagbangon ko, ay #Mat. 28:7, 10, 16. mauuna ako sa inyo sa Galilea.
33Datapuwa't sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Kung ang lahat ay mangagdaramdam sa iyo, #Luc. 22:33. ako kailan ma'y hindi magdaramdam.
34Sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na sa gabing ito, #tal. 75. bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo.
35Sinabi sa kaniya ni Pedro, #Juan 12:37. Kahima't ako'y mamatay na kasama mo, ay hindi kita ikakaila. Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.
36Nang magkagayo'y dumating si Jesus #Mar. 14:32-42; Luc. 22:39-42, 45, 46. na kasama sila sa isang dako na tinatawag na #Juan 18:1. Getsemani, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at manalangin.
37At kaniyang isinama si Pedro #Mat. 4:21; 17:1. at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo.
38Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin.
39At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, #Heb. 5:7. at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay #Mat. 29:22. lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y #Juan 5:30; 6:38; Fil. 2:8. huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.
40At lumapit siya sa mga alagad, at sila'y kaniyang naratnang nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Ano, hindi kayo maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras?
41Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, #Ef. 6:18. upang huwag kayong magsipasok sa tukso: #Gal. 5:17. ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman.
42Muli siyang umalis na bilang ikalawa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung di mangyayaring makalampas ito, kundi ko inumin, mangyari nawa ang iyong kalooban.
43At siya'y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog, sapagka't nangabibigatan ang kanilang mga mata.
44At muli niya silang iniwan, at umalis, at nanalangin bilang ikatlo, na sinabing muli ang gayon ding mga salita.
45Nang magkagayo'y lumapit siya sa mga alagad, at sinabi sa kanila, Mangatulog na kayo, at mangagpahinga: narito, malapit na ang oras, at ang Anak ng tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.
46Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin.
47At #Mar. 14:43-50; Luc. 22:47-53; Juan 18:3-11. samantalang nagsasalita pa siya, narito, dumating si #tal. 14, 25. Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang lubhang maraming taong may mga tabak at mga panghampas, mula sa mga pangulong saserdote at sa matatanda sa bayan.
48Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga: hulihin ninyo siya.
49At pagdaka'y lumapit siya kay Jesus, at nagsabi, Magalak, Rabi; at siya'y hinagkan.
50At sinabi sa kaniya ni Jesus, Gawin mo ang dahil ng pagparito mo. Nang magkagayon ay nagsilapit sila at kanilang sinunggaban si Jesus, at siya'y kanilang dinakip.
51At narito, #Juan 18:10. ang isa sa mga kasama ni Jesus ay iniunat ang kaniyang kamay at binunot ang #Luc. 22:38. kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang tainga.
52Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Isauli mo ang iyong tabak sa kaniyang lalagyan: #Apoc. 13:10. sapagka't ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay.
53O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel?
54Kung gayo'y paano bagang mangatutupad #tal. 24; Is. 53:7-10; Panag. 4:20. ang mga kasulatan, na ganyan ang nauukol na mangyari?
55Sa oras na yaon ay sinabi ni Jesus sa mga karamihan, Kayo baga'y nangagsilabas na waring laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako? Araw-araw ay nauupo ako sa templo na nagtuturo, at hindi ninyo ako dinakip.
56Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng #Juan 18:15. lahat ng mga alagad, at nagsitakas.
57 # Mar. 14:53-65; Luc. 22:54; Juan 18:12-15, 19-24. At si Jesus ay dinala ng nagsihuli sa kaniya sa dakilang saserdoteng si #tal. 3. Caifas, na doo'y nangagkakapisan ang mga eskriba at matatanda.
58Datapuwa't si Pedro'y sumunod sa kaniya sa malayo, hanggang sa looban ng dakilang saserdote, at siya'y pumasok, at nakiumpok sa mga punong kawal, upang makita niya ang wakas.
59Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoong kabulaanan laban kay Jesus, upang siya'y kanilang maipapatay;
60At yao'y hindi nila nangasumpungan, bagaman #Awit 27:12; 31:11. maraming nagsiharap na mga saksing bulaan. Nguni't pagkatapos ay nagsidating ang dalawa,
61At nangagsabi, Sinabi ng taong ito, #Juan 2:19. Maigigiba ko ang templo ng Dios, at muling itatayo ko sa tatlong araw.
62At nagtindig ang dakilang saserdote, at sinabi sa kaniya, Wala kang isinasagot na anoman? Ano itong sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo?
63Datapuwa't hindi umimik si #Is. 53:7; Mat. 27:12, 14; Mar. 14:61; 15:5; Juan 19:9. Jesus. At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya, #Lev. 5:1. Kita'y pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay, na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, #Mar. 14:61. ang Anak ng Dios.
64At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsabi: gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay #Mat. 16:27; 25:31, 32. inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit.
65Nang magkagayoy hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit, na sinasabi, Nagsalita siya ng kapusungan: ano pa ang kailangan natin ng mga saksi? narito, ngayo'y narinig ninyo ang kapusungan:
66Ano ang akala ninyo? Nagsisagot sila at kanilang sinabi, #Lev. 24:16. Karapatdapat siya sa kamatayan.
67Nang magkagayo'y #Is. 50:6; Mat. 27:30. niluraan nila ang kaniyang mukha at siya'y kanilang pinagsusuntok: at tinatampal siya ng mga iba,
68Na nangagsasabi, #Luc. 22:64. Hulaan mo sa amin, ikaw Cristo: sino ang sa iyo'y bumubugbog?
69Nakaupo nga si Pedro #Mar. 14:66-72; Luc. 22:55-62; Juan 18:16-18, 25-27. sa labas ng #tal. 3. looban: at lumapit sa kaniya ang isang alilang babae, na nagsasabi, Ikaw man ay kasama ng #Mat. 2:23. taga Galileang si Jesus.
70Datapuwa't siya'y kumaila sa harap nilang lahat, na sinasabi, Hindi ko nalalaman ang sinasabi mo.
71At paglabas niya sa portiko ay nakita siya ng ibang alila, at sinabi sa nangaroon, Ang taong ito ay kasama rin ni Jesus na taga Nazaret.
72At muling kumailang may sumpa, Hindi ko nakikilala ang tao.
73At pagkaraan ng sandali ay nagsilapit ang nangakatayo roon at kanilang sinabi kay Pedro, Sa katotohanang ikaw man ay isa rin sa kanila; sapagka't #Mar. 14:70; Luc. 22:59. ipinakikilala ka ng iyong pananalita.
74Nang magkagayo'y nagpasimula siyang manungayaw at manumpa, Hindi ko nakikilala ang tao. At pagdaka'y tumilaok ang manok.
75At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus, #tal. 34; Luc. 22:61. Bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo. At siya'y lumabas at nanangis na mainam.

Kasalukuyang Napili:

MATEO 26: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in