Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 1:1-7

MGA KAWIKAAN 1:1-7 ABTAG

Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel: Upang umalam ng karunungan at turo; Upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa; Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, Sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan; Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan: Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: At upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo: Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; Ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi. Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: Nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.