MGA KAWIKAAN 28
28
Mga kawikaang nagkakalaban.
1 #
Lev. 16:17; Awit 53:5. Ang masama ay tumatakas ng walang taong humahabol:
Nguni't ang matuwid ay matapang na parang leon.
2Dahil sa pagsalangsang ng lupain ay marami ang kaniyang mga pangulo:
Nguni't sa naguunawa at matalino ay malalaon ang kalagayan niya.
3 #
Mat. 18:28. Ang mapagkailangan na pumipighati sa dukha
Ay parang bugso ng ulan na hindi nagiiwan ng pagkain.
4 #
Awit 10:3; Rom. 1:32. Silang nangagpapabaya sa kautusan ay nagsisipuri sa masama:
#
1 Hari 18:18, 21; Mat. 3:7; Ef. 5:11. Nguni't ang nangagiingat ng kautusan ay nangakikipagkaalit sa kanila.
5 #
Awit 92:6. Ang masasamang tao ay hindi nangakakaunawa ng kahatulan:
Nguni't #Awit 119:100; Juan 7:17; 1 Cor. 2:15; 1 Juan 2:20, 27. silang nagsisihanap sa Panginoon ay nangakakaunawa sa lahat ng mga bagay.
6 #
Kaw. 19:1. Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat,
Kay sa suwail sa kaniyang mga lakad, bagaman siya'y mayaman.
7 #
Kaw. 29:3. Sinomang nagiingat ng kautusan ay pantas na anak:
Nguni't siyang kasama ng mga matakaw ay nagbibigay kahihiyan sa kaniyang ama.
8 #
Kaw. 13:22; Ec. 2:26. Ang nagpapalago ng kaniyang yaman sa tubo at pakinabang,
Ay pumipisan sa ganang may awa sa dukha.
9 #
Zac. 7:11. Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan,
Maging #Awit 109:7; Kaw. 15:8. ang kaniyang dalangin ay karumaldumal.
10 #
Kaw. 26:27. Sinomang nagliligaw sa matuwid sa masamang daan,
Siya'y mahuhulog sa kaniyang sariling lungaw:
#
Mat. 6:33. Nguni't ang sakdal ay magmamana ng mabuti.
11Ang mayaman ay pantas sa ganang kaniyang sarili;
Nguni't ang dukha na naguunawa ay sumisiyasat.
12 #
Kaw. 11:10. Pagka ang matuwid ay nagtatagumpay, may dakilang kaluwalhatian:
#
Kaw. 29:2. Nguni't pagka ang masama ay bumabangon, nagsisipagtago ang mga tao.
13 #
Awit 32:5; 1 Juan 1:10. Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa:
Nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.
14Masaya ang tao na natatakot na lagi:
Nguni't siyang nagmamatigas ng kaniyang kalooban ay mahuhulog sa kahirapan.
15 Kung paano ang umuungal na #1 Ped. 5:8. leon at ang gutom na oso,
Gayon #Mat. 2:16. ang masamang pinuno sa maralitang bayan.
16Ang pangulo na kulang sa paguunawa ay lubhang mamimighati rin:
Nguni't siyang nagtatanim sa kasakiman ay dadami ang kaniyang mga kaarawan.
17 #
Gen. 9:6. Ang tao na nagpapasan ng dugo ng sinomang tao,
Tatakas sa lungaw; huwag siyang pigilin ng sinoman.
18 #
Kaw. 10:25. Ang lumalakad ng matuwid ay maliligtas:
Nguni't siyang masama sa kaniyang mga lakad ay mabubuwal na bigla.
19 #
Kaw. 12:11. Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay:
Nguni't siyang sumusunod sa mga walang kabuluhang tao ay madudukhang mainam.
20Ang tapat na tao ay mananagana sa pagpapala:
#
Kaw. 20:21; 23:4; 1 Tim. 6:9. Nguni't siyang nagmamadali sa pagyaman ay walang pagsalang parurusahan.
21 #
Kaw. 18:5. Magkaroon ng pagtatangi sa mga pagkatao ay hindi mabuti:
Ni hindi man sasalangsang ang tao #Ezek. 13:19. dahil sa isang putol na tinapay.
22Siyang may masamang mata ay nagmamadali sa pagyaman,
At hindi nakakaalam, na kasalatan ay darating sa kaniya.
23 #
Kaw. 27:6. Siyang sumasaway sa isang tao ay makakasumpong sa ibang araw ng higit na lingap
Kay sa doon sa kunwa'y pumupuri ng dila.
24Ang nagnanakaw sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, at nagsasabi, Hindi ito pagsalangsang;
Yao'y kasama rin ng maninira.
25 #
Kaw. 13:10. Siyang may sakim na diwa ay humihila ng kaalitan:
Nguni't siyang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay #1 Tim. 6:6. tataba.
26Siyang tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang:
Nguni't ang lumakad na may kapantasan, ay maliligtas.
27 #
Kaw. 19:17. Siyang nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat:
Nguni't siyang nagkukubli ng kaniyang mga mata ay magkakaroon ng maraming sumpa.
28Pagka ang masama ay bumabangon, #Job 24:4. nagsisipagkubli ang mga tao;
Nguni't pagka sila'y nangamamatay, dumadami ang matuwid.
Kasalukuyang Napili:
MGA KAWIKAAN 28: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982