MGA AWIT 1
1
UNANG AKLAT
Ang matuwid at ang masama ay pinagparis.
1Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama,
Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,
Ni nauupo man sa #Luc. 20:42; Gawa 1:20. upuan ng mga #Kaw. 1:22. manglilibak.
2Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon;
At #Awit 119:1, 97. sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
3At siya'y magiging #Blg. 24:6. parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig,
Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan,
Ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta;
At anomang kaniyang gawin ay #Gen. 39:3, 23. giginhawa.
4Ang masama ay hindi gayon; Kundi #Job 21:18; Awit 35:5; Is. 29:5. parang ipa na itinataboy ng hangin.
5Kaya't ang masama ay hindi #Awit 5:5; Nah. 1:6. tatayo sa paghatol,
Ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.
6Sapagka't nalalaman ng #Awit 37:18; Nah. 1:7; Juan 10:14. Panginoon ang lakad ng mga matuwid:
Nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 1: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982