MGA AWIT 102
102
Dalangin ng nagdadalamhati, nang nanglulupaypay, at ibinubugso ang kaniyang daing sa harap ng Panginoon.
1Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon,
At dumating nawa ang daing ko sa iyo.
2 #
Awit 27:9. Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan:
#
Awit 86:1. Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin;
Sa araw na ako'y tumawag, ay sagutin mo akong madali.
3 #
Sant. 4:14. Sapagka't ang mga kaarawan ko'y nangapapawi na parang usok,
At #Job 30:30. ang mga buto ko'y nangasusunog na parang panggatong.
4Ang puso ko'y nasaktan na parang damo, at #Awit 37:2. natuyo;
Sapagka't #1 Sam. 1:7. nalimutan kong kanin ang aking tinapay.
5Dahil sa tinig ng aking daing
Ang mga buto ko'y nagsisidikit sa aking laman.
6Ako'y parang pelikano sa ilang;
Ako'y naging parang kuwago sa kaparangan.
7Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya
Na nagiisa sa bubungan.
8Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw;
Silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.
9Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay,
At hinaluan ko ang #Awit 42:3; 80:5. aking inumin ng iyak.
10Dahil sa iyong galit at iyong poot:
Sapagka't ako'y iyong itinaas, at inihagis.
11 #
Job 14:2. Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling;
At ako'y natuyo na parang damo.
12Nguni't #Awit 9:7. ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man;
At #Awit 135:13. ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali't saling lahi.
13Ikaw ay babangon at #Is. 60:10; Zac. 1:12. maaawa sa Sion:
Sapagka't kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya,
Oo, #Is. 40:2. ang takdang panahon ay dumating.
14Sapagka't nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato,
At nanghihinayang sa kaniyang alabok.
15Sa gayo'y katatakutan ng mga bansa ang #1 Hari 8:43. pangalan ng Panginoon.
At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;
16Sapagka't itinayo ng Panginoon ang Sion,
Siya'y napakita #Is. 60:2. sa kaniyang kaluwalhatian;
17 #
Neh. 1:6, 11. Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon,
At hindi hinamak ang kanilang dalangin.
18Ito'y #Rom. 15:4. isusulat na ukol sa lahing susunod:
At #Awit 22:31; Is. 43:21. ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.
19Sapagka't siya'y tumungo #Deut. 26:15; Awit 14:2. mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario;
Tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;
20 #
Awit 79:11. Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo:
Upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;
21 #
Awit 56:13. Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion,
At ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;
22Nang ang mga bayan ay mapisan,
At ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.
23Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan;
#
Job 21:21. Kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.
24 #
Is. 38:10. Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan;
Ang mga taon mo'y #Awit 90:1, 2. lampas sa mga sali't saling lahi.
25Nang una ay #Heb. 1:10-12. inilagay mo ang patibayan ng lupa;
At ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
26 #
Is. 34:4; Mat. 24:35; 2 Ped. 3:7, 10, 12; Apoc. 20:11; 21:1. Sila'y uuwi sa wala, nguni't #tal. 12. ikaw ay mananatili:
Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan;
Parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila'y mga mapapalitan:
27Nguni't #Mal. 3:6; Heb. 13:6. ikaw rin,
At ang mga taon mo'y hindi magkakawakas.
28 #
Awit 69:36. Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi,
#
Gen. 17:7. At ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 102: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982