Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 107

107
IKALIMANG AKLAT
Ang Panginoon ay nagliligtas ng tao sa maraming mga sakuna.
1Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; #1 Cron. 16:35; Awit 106:1. sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 # Is. 62:12. Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon,
# Awit 106:10. Na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;
3At #Awit 106:47; Is. 11:12. mga pinisan mula sa mga lupain,
Mula sa silanganan, at mula sa kalunuran,
Mula sa hilagaan at mula sa timugan.
4Sila'y nagsilaboy #Deut. 32:10. sa ilang, sa ulilang landas;
Sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan.
5Gutom at uhaw,
Ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila.
6 # tal. 13, 19, 28. Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
7Pinatnubayan naman niya sila sa #Ezra 8:21. matuwid na daan,
Upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan.
8 # tal. 15, 21, 31. Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
9Sapagka't #Luc. 1:53. kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa,
At ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.
10Ang gayong #Is. 42:7; 49:9; Luc. 1:79. tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan,
Na natatali sa dalamhati at pangaw;
11Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios,
At hinamak ang #Awit 73:24; Luc. 7:30; Gawa 20:27. payo ng Kataastaasan:
12Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap;
Sila'y nangabuwal, at #Awit 22:11. walang sumaklolo.
13 # tal. 6, 19, 28. Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
14 # Awit 68:6. Inilabas niya sila sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan,
At #Awit 2:3. pinatid ang kanilang mga tali.
15 # tal. 7, 21, 31. Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
16Sapagka't #Is. 45:2. kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso,
At pinutol ang mga halang na bakal.
17 # Kaw. 1:7; 14:9. Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang,
At dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati.
18Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain;
At sila'y nagsisilapit sa #Job 38:17. mga pintuan ng kamatayan,
19 # tal. 6, 13, 28. Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At iniligtas niya sila sa kanilang kahirapan.
20 # 2 Hari 20:4, 5; Awit 147:15; Mat. 8:8. Sinugo niya ang kaniyang salita, at #Awit 30:2. pinagaling sila,
At #Awit 103:4. iniligtas sila sa kanilang mga ikapapahamak.
21 # tal. 8, 15, 31. Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
22At #Lev. 7:12; Heb. 13:15. mangaghandog sila ng mga hain na pasalamat,
At ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.
23 # Is. 42:10. Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan,
Na nangangalakal sa #Awit 28:3. mga malawak na tubig;
24Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon,
At ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman.
25Sapagka't siya'y naguutos, at #Jon. 1:4. nagpapaunos,
Na nagbabangon ng mga alon niyaon.
26Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman:
# Awit 22:14; 119:28. Ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan.
27Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at #Is. 24:20; 29:9. gigiraygiray na parang lasing,
At ang kanilang karunungan ay nawala.
28 # tal. 6, 13, 19. Nang magkagayo'y nagsidaing sila sa Panginoon sa kanilang kabagabagan,
At inilabas niya sila sa kanilang kahirapan.
29 # Awit 89:9; Mat. 8:26. Kaniyang pinahihimpil ang bagyo,
Na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik.
30Nang magkagayo'y natutuwa sila, dahil sa sila'y tiwasay.
Sa gayo'y kaniyang dinadala sila sa daongang kanilang ibigin.
31 # tal. 8, 15, 21. Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob,
At dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
32Ibunyi rin naman nila siya #Awit 22:25. sa kapulungan ng bayan,
At purihin siya sa upuan ng mga matanda.
33Kaniyang #1 Hari 17:1, 7. pinapagiging ilang ang mga ilog,
At uhaw na lupa ang mga bukal:
34Na maalat na ilang #Gen. 13:10; 14:3; 19:25, 28. ang mainam na lupain,
Dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon.
35Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang,
At mga bukal ang tuyong lupain.
36At kaniyang pinatatahan doon ang gutom,
Upang makapaghanda sila ng bayang tahanan;
37At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan,
At magtamo ng mga bunga na pakinabang.
38 # Gen. 12:2; Ex. 1:7. Kaniya namang pinagpapala sila, na anopa't sila'y lubhang nagsisidami;
At hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang.
39Muli, sila'y nakulangan at nahapay
Sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan.
40Kaniyang #Job 12:21, 24. ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo,
At kaniyang pinagagala sila sa ilang na walang lansangan.
41 # 1 Sam. 1:8; Awit 113:7, 8. Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian,
At ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan.
42Makikita ng matuwid, at matutuwa;
# Awit 63:11; Rom. 3:19. At titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig.
43 # Jer. 9:12; Os. 14:9. Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito,
At kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 107: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in