MGA AWIT 110
110
Awit ni David.
1 #
Mat. 22:44; Mar. 12:36; Luc. 20:42, 43; Gawa 2:34, 35; Heb. 1:13. Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon,
Umupo ka #Ef. 1:20; Col. 3:1; Heb. 1:3; 1 Ped. 3:22. sa aking kanan,
#
1 Cor. 15:25; Ef. 1:22; Heb. 2:8; 10:13. Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
2Pararatingin ng Panginoon #Is. 11:1. ang setro ng iyong kalakasan #Awit 68:35. mula sa Sion:
Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
3Ang bayan mo'y naghahandog na kusa
Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
Mula sa bukang liwayway ng umaga,
Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
4 #
Heb. 7:21. Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi,
#
Heb. 5:6; 6:20; 7:17. Ikaw ay #Zac. 6:13. saserdote #Juan 12:35; Heb. 7:24, 28. magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni #Gen. 11:18. Melchisedech.
5Ang Panginoon #Awit 16:8. sa iyong kanan ay
Hahampas sa mga hari #Rom. 2:5. sa kaarawan ng kaniyang poot.
6Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa,
Kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook;
#
Awit 68:21. Siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.
7Siya'y iinom #Huk. 7:5, 6. sa batis sa daan:
Kaya't siya'y magtataas ng ulo.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 110: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982