Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 116

116
Pagpapasalamat sa pagliligtas mula sa kamatayan.
1Aking iniibig #Awit 18:1. ang Panginoon, sapagka't #Awit 66:19; 118:21. kaniyang dininig
Ang aking tinig at aking mga hiling.
2Sapagka't kaniyang #Awit 86:11. ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin,
Kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
3Ang tali ng kamatayan ay #Awit 18:4. pumulupot sa akin,
At ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
Aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
4 # Awit 18:6. Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon;
Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
5 # Awit 86:15; 145:17. Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid;
Oo, ang Dios namin ay maawain.
6Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob:
# Awit 79:8. Ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
7Bumalik ka sa iyong kapahingahan, #Jer. 6:16; Mat. 11:29. Oh kaluluwa ko;
Sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
8 # Awit 56:13; 86:13. Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan,
At ang mga mata ko sa mga luha,
At ang mga paa ko sa pagkabuwal.
9Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon,
# Awit 27:13. Sa lupain ng mga buháy.
10 # 2 Cor. 6:28. Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita:
Ako'y lubhang nagdalamhati:
11 # Awit 31:22. Aking sinabi sa aking pagmamadali,
Lahat ng tao ay bulaan.
12Ano ang aking ibabayad sa Panginoon
Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13Aking kukunin ang #Awit 16:5; Luc. 22:17. saro ng kaligtasan,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14 # Awit 22:25. Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15 # Blg. 23:10; Awit 72:16. Mahalaga sa paningin ng Panginoon
Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod;
Ako'y iyong lingkod, na #Awit 86:16. anak ng iyong lingkod na babae;
Iyong kinalag ang aking mga tali.
17Aking ihahandog sa iyo ang #Awit 107:22. hain na pasalamat,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18Aking babayaran ang mga panata ko #tal. 14. sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,
Sa gitna mo, Oh Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 116: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in