Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 121

121
Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.
1Ititingin ko ang aking mga mata sa #Awit 87:1. mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
2 # Awit 124:8. Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
3 # 1 Sam. 2:9; Awit 66:9. Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay #Awit 127:1; Is. 27:3. hindi iidlip.
4Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
5Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay #Awit 91:1; Is. 25:4. lilim mo sa iyong kanan.
6Hindi ka sasaktan #Awit 91:1; Is. 49:10; Apoc. 7:16. ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
7Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang #Awit 97:10. iingatan ang iyong kaluluwa.
8 # Deut. 28:6. Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 121: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in