MGA AWIT 137
137
Mga kalungkutan ng mga bihag sa Babilonia.
1Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia,
Doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo,
Nang ating maalaala ang Sion.
2Sa mga punong sauce sa gitna niyaon
Ating ibinitin ang ating mga alpa.
3Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit,
At silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi:
Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.
4 #
Neh. 2:3. Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon
Sa ibang lupain?
5Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem,
Kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.
6Dumikit nawa ang #Job 29:10. aking dila sa ngalangala ng aking bibig,
Kung hindi kita alalahanin;
Kung hindi ko piliin ang Jerusalem
Ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.
7Alalahanin mo Oh Panginoon, laban #Jer. 49:7-22; Ex. 25:12-14; Oba. 10-14. sa mga anak ni Edom
Ang kaarawan ng Jerusalem;
Na nagsabi, Sirain, sirain,
Pati ng patibayan niyaon.
8Oh anak na babae ng Babilonia, na #Is. 13:1-22; Jer. 25:12. sira;
Magiging mapalad siya, #Jer. 50:15, 29. na gumaganti sa iyo
Na gaya ng iyong ginawa sa amin.
9Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata
Sa malaking bato.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 137: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982