Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 150

150
Tawag upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga panugtog.
1Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Dios #Awit 11:4. sa kaniyang santuario:
Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
2Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa:
Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
3Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak:
# Awit 71:22. Purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
4Purihin ninyo siya #Ex. 15:20. ng pandereta at sayaw:
Purihin ninyo siya #Awit 33:2; Is. 38:20. ng mga panugtog na kawad at ng #Gen. 4:21. flauta.
5Purihin ninyo siya ng mga #2 Sam. 6:5. matunog na simbalo.
Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
6 # Awit 145:21. Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 150: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in