MGA AWIT 18:4-6
MGA AWIT 18:4-6 ABTAG
Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan, At tinakot ako ng mga baha ng kasamaan. Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: Ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, At dumaing ako sa aking Dios: Dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, At ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig.

