Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Awit 18:4-6 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Awit 18:4-6 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ginapos ako ng tali ng kamatayan; tinabunan ako ng alon ng kapahamakan. Nakapaligid sa akin ang panganib ng kamatayan, nakaumang sa akin ang bitag ng libingan. Kaya't si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan niya ang aking paghibik.

Mga Awit 18:4-6 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking daraanan, na para ring malakas na agos na tumatangay sa akin. Kinakabahan ako! Humingi ako ng tulong sa inyo, PANGINOON na aking Diyos. At mula sa inyong Templo, pinakinggan nʼyo ang panalangin ko.

Mga Awit 18:4-6 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ginapos ako ng tali ng kamatayan; tinabunan ako ng alon ng kapahamakan. Nakapaligid sa akin ang panganib ng kamatayan, nakaumang sa akin ang bitag ng libingan. Kaya't si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan niya ang aking paghibik.

Mga Awit 18:4-6 TLAB (Ang Biblia)

Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan, at tinakot ako ng mga baha ng kasamaan. Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, at dumaing ako sa aking Dios: dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, at ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig.

Mga Awit 18:4-6 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan, At tinakot ako ng mga baha ng kasamaan. Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: Ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, At dumaing ako sa aking Dios: Dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, At ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig.