Mga Awit 18:4-6
Mga Awit 18:4-6 RTPV05
Ginapos ako ng tali ng kamatayan; tinabunan ako ng alon ng kapahamakan. Nakapaligid sa akin ang panganib ng kamatayan, nakaumang sa akin ang bitag ng libingan. Kaya't si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan niya ang aking paghibik.

