Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 28

28
Panalangin upang tulungan, at Papuri dahil sa sagot. Awit ni David.
1Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako;
# Awit 18:2. Bato ko, #Awit 35:22. huwag kang magpakabingi sa akin:
# Awit 144:7. Baka kung ikaw ay tumahimik sa akin,
# Awit 88:4. Ako'y maging gaya nila na bumaba sa hukay.
2Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako'y dumadaing sa iyo,
# 1 Hari 8:28, 29. Pagka aking iginagawad ang aking mga kamay #1 Hari 6:5. sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.
3Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama,
At ng mga manggagawa ng kasamaan;
# Awit 12:2; Jer. 9:8. Na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa,
Nguni't kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
4 # 2 Tim. 4:14. Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain:
Gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay.
Bayaran mo sila ng ukol sa kanila,
5Sapagka't #Job 34:27; Is. 5:12. ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon,
Ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay,
Kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo.
6Purihin ang Panginoon,
Sapagka't dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing.
7Ang Panginoon ay aking kalakasan at #Awit 3:3. aking kalasag;
Ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako'y nasaklolohan:
Kaya't ang aking puso ay nagagalak na mainam;
At aking pupurihin siya ng aking awit.
8Ang Panginoon ay kanilang kalakasan,
At siya'y #Awit 20:6. kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.
9Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo #Deut. 9:29; 1 Hari 8:51, 53; Deut. 9:29; 1 Hari 8:51, 53. ang iyong pamana:
Naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 28: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in