Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 45

45
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ng mga anak ni Core. Masquil. Awit tungkol sa pagibig.
1Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay:
Aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari:
Ang aking dila ay panulat #Ezra 7:6. ng bihasang manunulat.
2Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao;
# Luc. 4:22. Biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi:
Kaya't pinagpala ka ng Dios magpakailan man.
3Ibigkis mo ang iyong #Is. 49:2; Heb. 4:12; Apoc. 1:6. tabak sa iyong hita, Oh makapangyarihan,
Kalakip ang iyong #Awit 21:5. kaluwalhatian at ang iyong kamahalan.
4At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, Dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran:
At ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng #Awit 65:5. kakilakilabot na mga bagay.
5Ang iyong mga #Awit 120:4. palaso ay matulis;
Ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo:
Sila'y nangasa puso ng mga kaaway ng hari.
6 # Awit 93:2; Heb. 1:8. Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man:
Cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.
7 # Awit 11:7; 33:5. Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan:
Kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo #Is. 61:1. ng langis
Ng langis #Awit 21:6; Juan 19:39. ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.
8Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia:
Mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad.
9 # A. ng A. 6:8. Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae:
# 1 Hari 2:19. Sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may #Job 28:16. ginto sa Ophir.
10Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig;
# Deut. 21:13. Kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang;
11Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan;
Sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya.
12At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na #Awit 96:8. may kaloob;
Pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay #Awit 22:29; Is. 49:23; Mat. 2:11. mamamanhik ng iyong lingap.
13Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari.
Ang kaniyang suot ay yaring may ginto.
14Siya'y ihahatid sa hari na #A. ng A. 1:4; Apoc. 19:7, 8; 2 Sam. 13:18. may suot na bordado:
Ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay
Dadalhin sa iyo.
15May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila:
Sila'y magsisipasok sa bahay-hari.
16Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak,
# 1 Ped. 2:9; Apoc. 1:6. Na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa.
17Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi:
Kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 45: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in