Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 46

46
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core; itinugma sa Alamoth. Awit.
1Ang Dios ay #Awit 62:7, 8. ating ampunan at kalakasan,
# Deut. 4:7; Awit 145:18. Handang saklolo sa kabagabagan.
2Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago,
At bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat;
3Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag.
Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah)
4 # Awit 65:9; Is. 8:6. May isang ilog, na ang mga agos ay nagpapasaya #Awit 48:1; Is. 60:14. sa bayan ng Dios.
Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan.
5 # Deut. 23:14; Is. 12:6; Joel 2:27; Zef. 3:15. Ang Dios ay nasa gitna niya; siya'y hindi makikilos:
Tutulungan siya ng Dios na maaga.
6Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos:
Inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw.
7 # Is. 7:14; 8:8, 10. Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah)
8Kayo'y parito, inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon,
Kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa.
9 # Is. 2:4. Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa;
Kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat;
Kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy.
10Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios:
# Is. 2:11, 17. Ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa.
11Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 46: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in