Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 57

57
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. #1 Sam. 22:1; 24:2-5. Awit ni David. Michtam; nang kaniyang takasan si Saul, sa yungib.
1 # Awit 56:1. Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin;
Sapagka't ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo.
Oo, sa #Ruth 2:12; Awit 17:8. lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako,
# Is. 26:20. Hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito.
2Ako'y dadaing sa Dios na Kataastaasan;
Sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
3 # Awit 144:5, 7. Siya'y magsusugo mula sa langit, at ililigtas ako,
Pagka yaong lulunok sa akin ay dumuduwahagi; (Selah)
# Awit 40:11. Susuguin ng Dios ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang katotohanan.
4Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon:
Ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy,
Sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana,
At ang kanilang dila ay #Awit 52:2. matalas na tabak.
5 # Awit 108:5. Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.
6Kanilang hinandaan ng #Awit 9:15. silo ang aking mga hakbang.
Ang aking kaluluwa ay nakayuko:
Sila'y nagsihukay ng isang #Awit 119:85. lungaw sa harap ko.
Sila'y nangahulog sa gitna niyaon. (Selah)
7 # Hanggang tal. 11; Awit 108:1-5. Ang aking puso ay matatag, Oh Dios, ang aking puso ay matatag:
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri.
8 # Huk. 5:12. Gumising ka, #Awit 16:9; 30:12. kaluwalhatian ko; gumising ka, salterio at alpa:
Ako'y gigising na maaga.
9Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
Ako'y aawit sa iyo ng mga pagpuri sa gitna ng mga bansa.
10 # Awit 36:5. Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila hanggang sa mga langit,
At ang iyong katotohanan hanggang sa mga alapaap.
11Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas ng mga langit;
Mataas ang iyong kaluwalhatian sa buong lupa.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 57: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in