Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 58

58
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Awit ni David. Michtam.
1Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan?
Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
2Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan;
Inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
3Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata:
Sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
4 # Awit 140:3; Ec. 10:11. Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas:
Sila'y #Jer. 8:17. gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
5At hindi nakakarinig ng tinig #Ec. 10:11. ng mga enkantador,
Na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
6Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, #Job 4:10. Oh Dios, sa kanilang bibig:
Iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
7 # Jos. 7:5; Awit 112:10. Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos:
Pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
8 Maging gaya nawa ng laman ng suso na natutunaw at napapawi:
# Job 3:16; Ec. 6:3. Na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
9 # Ec. 7:6. Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong,
# Job 27:21. Kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10 # Awit 32:11. Magagalak ang matuwid pagka nakita niya #Is. 63:3; Apoc. 14:20. ang higanti:
Kaniyang huhugasan #Awit 68:23. ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11 # Awit 92:15. Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid:
Katotohanang may Dios na #Awit 9:8. humahatol sa lupa.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 58: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in