Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 64

64
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
1Dinggin mo ang tinig ko. Oh Dios, sa aking hibik:
Ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.
2Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan;
Sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:
3 # Awit 7:4. Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak,
At pinahilagpos ang kanilang mga #Awit 58:7. palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:
4Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako:
Biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.
5Sila'y nagpapakatapang sa masamang akala;
Sila'y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo;
Sinasabi nila, #Job 22:13; Awit 10:11. Sinong makakakita?
6Sila'y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan;
Aming naganap, sabi nila, ang masikap na pagsiyasat;
At ang pagiisip sa loob ng bawa't isa, at ang puso ay malalim.
7 # Awit 7:12, 13. Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios;
Sila'y masusugatang bigla ng isang palaso.
8Sa gayo'y sila'y #Kaw. 18:7. matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila:
Ang lahat na makakita sa kanila ay #Awit 31:11. mangaguuga ng ulo.
9At lahat ng mga tao ay #Awit 40:3. mangatatakot;
At kanilang ipahahayag ang salita ng Dios,
At may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.
10Ang matuwid ay #Awit 32:11. matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya;
At lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 64: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in