Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 75

75
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Salmo ni Asaph, Awit.
1Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios:
Kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay #Deut. 4:7. malapit:
Isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.
2Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan,
Hahatol ako ng matuwid.
3Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw:
Aking itinayo ang mga #1 Sam. 2:8; Awit 11:3. haligi niyaon. (Selah)
4Aking sinabi sa #Nah. 2:13. hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan:
At sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:
5Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas;
Huwag kang magsalitang may #1 Sam. 2:3; Job 15:26. matigas na ulo.
6Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran,
O mula man sa timugan, ang pagkataas.
7Kundi ang #Awit 50:6. Dios ay siyang hukom:
# 1 Sam. 2:7. Kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
8Sapagka't #Awit 11:6. sa kamay ng Panginoon ay may #Job 21:20. isang saro, at ang alak ay bumubula;
Puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din:
Tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
9Nguni't aking ipahahayag magpakailan man,
Ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.
10 # Jer. 48:25. Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay;
Nguni't #1 Sam. 2:1. ang mga sungay ng matuwid ay matataas.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 75: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in