MGA AWIT 76
76
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo ni Asaph, Awit.
1Sa Juda #Awit 48:1, 3. ay kilala ang Dios:
Ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel.
2Nasa Salem naman ang kaniyang tabernakulo,
At ang kaniyang dakong tahanan ay sa Sion.
3 #
Awit 46:9. Doo'y binali niya ang mga pana ng busog;
At kalasag, at ang tabak, at ang pagbabaka. (Selah)
4Maluwalhati ka at marilag, #Awit 5:5. Mula sa mga bundok na hulihan.
5Ang mga puso na matapang ay nasamsaman,
Sila'y #Awit 121:3, 4; Jer. 51:39; Nah. 3:18. nangatulog ng kanilang pagtulog;
At wala sa mga lalaking makapangyarihan na nakasumpong ng kanilang mga kamay.
6 #
Nah. 2:13. Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob,
Ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog.
7Ikaw, ikaw ay katatakutan:
At #Awit 130:3; Apoc. 6:17. sinong makatatayo sa iyong paningin, sa minsang ikaw ay magalit?
8Iyong ipinarinig ang hatol mula sa langit;
Ang lupa ay natakot, at tumahimik,
9Nang ang Dios ay bumangon sa paghatol,
Upang iligtas ang lahat ng maamo sa lupa. (Selah)
10 #
Ex. 9:10; Awit 65:7. Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao:
Ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo.
11 #
Awit 50:14. Manata ka at tuparin mo sa Panginoon mong Dios:
Magdala ng mga kaloob sa kaniya na marapat katakutan, #Awit 68:29. yaong lahat na nangasa buong palibot niya.
12Kaniyang ihihiwalay ang diwa ng mga pangulo:
Siya'y kakilakilabot sa mga hari sa lupa.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 76: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: