Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 77

77
Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni Asaph.
1Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios;
Sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.
2 # Awit 86:7. Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon:
Ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay;
# Gen. 37:35. Tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.
3Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa:
Ako'y #Awit 142:3. nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)
4Iyong pinupuyat ang mga mata ko:
Ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.
5 # Deut. 32:7; Awit 44:1; 145:5. Aking ginunita ang mga araw ng una,
Ang mga taon ng dating mga panahon.
6Aking inaalaala ang awit ko #Job 35:10; Awit 4:4; 16:7. sa gabi:
Sumasangguni ako sa aking sariling puso;
At ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.
7 # Awit 74:1. Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man?
At #Awit 85:1. hindi na baga siya lilingap pa?
8Ang kaniya bang kagandahangloob ay lubos na nawala magpakailan man?
Natapos na bang walang hanggan #Rom. 9:6. ang kaniyang pangako?
9Nakalimot na ba ang Dios na #Is. 49:15. magmaawain?
Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)
10At aking sinabi, #Awit 31:22. Ito ang sakit ko;
Nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.
11 # Awit 143:5. Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon;
Sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.
12Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa,
At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.
13Ang iyong daan, Oh Dios, ay #Awit 73:17. nasa santuario:
# Ex. 15:11. Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
14Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas:
Iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.
15Iyong tinubos #Ex. 6:6. ng kamay mo ang iyong bayan,
Ang mga anak ng Jacob #Awit 81:5. at ng Jose. (Selah)
16 # Ex. 14:21; Awit 114:3; Hab. 3:10. Nakita ka ng tubig, Oh Dios;
Nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot:
Ang mga kalaliman din naman ay nanginig.
17Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig;
# Awit 68:33. Ang langit ay humugong:
Ang mga #Hab. 3:11. pana mo naman ay nagsihilagpos.
18Ang #Awit 104:7. tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo;
Tinanglawan #Awit 97:4. ng mga kidlat ang sanglibutan:
Ang lupa ay nayanig at umuga.
19Ang daan mo'y #Hab. 3:15. nasa dagat,
At ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig,
At ang bakas mo'y hindi nakilala.
20 # Ex. 14:19; Awit 78:53. Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na #Is. 63:11, 12. parang kawan,
Sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 77: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in