MGA AWIT 85
85
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.
1Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain:
#
Awit 14:7. Iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
2 #
Awit 32:1. Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan,
Iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
3Iyong pinawi ang buong poot mo:
#
Ex. 32:12. Iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
4 #
Awit 80:3. Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,
At papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
5 #
Awit 74:1. Magagalit ka ba sa amin magpakailan man?
Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
6Hindi mo ba kami bubuhayin uli:
Upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
7Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
At ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
8 #
Hab. 2:1. Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:
Sapagka't #Apoc. 9:10. siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga #Awit 50:5. banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli #2 Ped. 2:21. sa kaululan.
9Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
#
Zac. 2:5; Juan 1:14. Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10 #
Awit 40:11; 89:14. Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;
#
Awit 72:3; Luc. 2:14. Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12Oo, ibibigay ng #Awit 84:12; Sant. 1:17. Panginoon ang mabuti;
At ang ating #Awit 67:6. lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 85: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982