MGA AWIT 97
97
Ang kapangyarihan ng Panginoon at ang kaniyang nasasakupan.
1Ang Panginoon ay #1 Cron. 16:31. naghahari; magalak ang lupa;
Matuwa ang karamihan ng mga pulo.
2 #
1 Hari 8:12; Awit 18:11. Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya:
Katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.
3Apoy ay nagpapauna sa kaniya, At sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot.
4Tumatanglaw #Ex. 19:18; Awit 77:18. ang mga kidlat niya sa sanglibutan:
Nakita ng lupa, at niyanig.
5 #
Huk. 5:5; Nah. 1:5. Ang mga bundok ay natunaw na parang pagkit sa harap ng Panginoon,
Sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.
6Ipinahahayag #Awit 50:6. ng langit ang kaniyang katuwiran,
At nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.
7Mangahiya silang lahat na nangaglilingkod sa mga larawan,
Nangaghahambog tungkol sa mga diosdiosan:
Kayo'y magsisamba sa kaniya #Heb. 1:6. kayong lahat na mga dios.
8Narinig ng Sion, at natuwa,
At ang mga anak na babae ng Juda ay nangagalak;
Dahil sa iyong mga kahatulan, Oh Panginoon.
9Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay #Awit 92:9. kataastaasan sa buong lupa:
Ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.
10Oh kayong nagsisiibig sa Panginoon, #Awit 101:23. ipagtanim ninyo ang kasamaan.
Kaniyang iniingatan ang mga kaluluwa ng kaniyang mga banal;
Kaniyang iniligtas sila #Dan. 3:28; 6:22, 27; Gawa 12:11. sa kamay ng masama.
11 #
Job 22:23; Awit 112:4; Kaw. 4:18. Liwanag ang itinanim na ukol sa mga banal,
At kasayahan ay sa may matuwid na puso.
12Mangatuwa kayo sa Panginoon, kayong mga matuwid;
#
Awit 30:4. At mangagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 97: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982