Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ZACARIAS 4

4
Ang kandelero at ang kahoy na olibo sa pangitain.
1At #Zac. 1:19. ang anghel na nakipagusap sa akin ay bumalik, at ginising ako, na gaya ng tao na nagigising sa kaniyang pagkakatulog.
2At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y tumingin, at, narito, #Ex. 25:31. isang kandelero na taganas na ginto, na may taza sa ibabaw niyaon, #Ex. 25:37; Apoc. 1:12; 4:5. at ang pitong ilawan niyaon sa ibabaw; may pitong tubo sa bawa't isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyaon;
3At may dalawang puno ng olibo sa siping niyaon, isa sa dakong kanan ng taza, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyaon.
4At ako'y sumagot at nagsalita sa anghel na nakikipagusap sa akin, na aking sinabi, Anong mga bagay ito, panginoon ko?
5Nang magkagayo'y ang anghel na nakikipagusap sa akin ay sumagot na nagsabi sa akin, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko.
6Nang magkagayo'y siya'y sumagot at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Ito ang salita ng Panginoon kay Zorobabel, na sinasabi, Hindi sa pamamagitan ng #Dan. 2:34; Hag. 2:21-23. kalakasan, ni ng kapangyarihan, kundi #Hag. 2:5. sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
7Sino ka, #Jer. 51:25. Oh malaking bundok? sa harap ni Zorobabel #Is. 40:4. ay magiging kapatagan ka; at kaniyang ilalabas #Awit 118:22. ang pangulong bato na #Ezra 3:10. may hiyawan, Biyaya, biyaya sa kaniya.
8Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
9Ang mga kamay ni Zorobabel ay siyang naglagay ng mga tatagang-baon ng bahay na ito; ang kaniyang mga kamay ay siya ring tatapos; at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo.
10Sapagka't sinong nagsihamak sa araw #Hag. 2:3. ng maliliit na bagay? sapagka't ang pitong ito ay mangagagalak, at makikita nila ang pabatong tingga sa kamay ni Zorobabel; #Zac. 3:9. ang mga ito'y mga mata ng Panginoon, na nangagpaparoo't parito sa buong lupa.
11Nang magkagayo'y sumagot ako, at nagsabi sa kaniya, Ano itong dalawang puno ng olibo sa dakong kanan kandelero, at sa dakong kaliwa?
12At ako'y sumagot na ikalawa, at nagsabi sa kaniya: Ano ang dalawang sangang olibong ito na nasa siping ng dalawang gintong padaluyan, na dinadaluyan ng langis na ginintuan?
13At siya'y sumagot sa akin, at nagsabi, Hindi mo baga nalalaman kung ano ang mga ito? At aking sinabi, Hindi, panginoon ko.
14Nang magkagayo'y sinabi niya, #Apoc. 11:4. Ito ang dalawang anak na pinahiran ng langis, na nakatayo sa siping ng Panginoon ng buong lupa.

Kasalukuyang Napili:

ZACARIAS 4: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in