1 Mga Cronica 1
1
Mga Talaan ng mga Angkang Pinagmulan ng Israel
1Si Adan ang ama ni Set at si Set ang ama ni Enos. 2Si Enos ang ama ni Kenan at si Kenan ang ama ni Mahalalel na ama ni Jared. 3Si Jared ang ama ni Enoc, at anak ni Enoc si Matusalem na ama ni Lamec. 4Si Lamec ang ama ni Noe at mga anak naman ni Noe sina Shem, Ham at Jafet.
5Ang mga anak ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. 6Ang mga anak naman ni Gomer ay sina Askenaz, Difat at Togarma. 7Ang mga anak ni Javan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Rodanim.
8Ang mga anak ni Ham ay sina Cus, Egipto, Libya at Canaan. 9Mga anak ni Cus sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca, at ang kay Raama naman ay sina Sheba at Dedan. 10Anak din ni Cus si Nimrod, ang unang makapangyarihang mananakop sa daigdig. 11Si Egipto ang pinagmulan ng mga Ludim, Anamim, Lehabim at Naftuhim. 12Siya rin ang pinagmulan ng mga Patrusim, Casluhim at Caftorim, na siya namang pinagmulan ng mga Filisteo. 13Ang mga anak ni Canaan ay si Sidon, na siyang panganay, at si Het. 14Sila ang mga ninuno ng mga Jebuseo, Amoreo, Gergeseo, 15Hivita, Arkita, Sinita, 16Arvadita, Zemareo at Hamateo.
17Ang mga anak ni Shem ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud, Aram, Uz, Hul, Geter at Meshec. 18Si Arfaxad ang ama ni Selah na ama naman ni Eber. 19Dalawang lalaki ang naging anak ni Eber; Peleg#19 PELEG: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “nahati”. ang pangalan ng isa sapagkat sa panahon niya nahati ang daigdig, at Joctan naman ang pangalan ng kapatid nito. 20Si Joctan ang ama ng magkakapatid na Almodad, Selef, Hazarmavet, Jerah, 21Hadoram, Uzal, Dicla, 22Ebal, Abimael, Sheba, 23Ofir, Havila at Jobab.
24Ganito ang pagkakasunud-sunod ng lahi mula kay Shem hanggang kay Abram: Shem, Arfaxad, Selah, 25Eber, Peleg, Reu, 26Serug, Nahor, Terah, 27at Abram, na tinawag ding Abraham.
Ang Lahi ni Ismael
(Gen. 25:12-16)
28Ang dalawang anak ni Abraham ay sina Isaac at Ismael. 29Ang mga anak ni Ismael ay sina Nebayot, Kedar, Adbeel, Mibsam, 30Misma, Duma, Massa, Hadad, Tema, 31Jetur, Nafis at Kedema.
32Ito ang mga anak ni Abraham sa kanyang asawang-lingkod na si Ketura: sina Zimran, Jocsan, Medan, Midian, Isbak at Sua. Ang mga anak ni Jocsan ay sina Sheba at Dedan. 33Mga anak ni Midian sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa.
Ang Lahi ni Esau
(Gen. 36:1-19)
34Ang anak ni Abraham na si Isaac ay may dalawang anak: sina Esau at Jacob. 35Ang mga anak ni Esau ay sina Elifaz, Reuel, Jeus, Jalam at Korah. 36Ang mga anak ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefi, Gatam, Kenaz, Timna at Amalek. 37Ang kay Reuel naman ay sina Nahat, Zera, Sammah at Miza.
Ang Lahi ni Seir
(Gen. 36:20-30)
38Ang mga anak ni Seir ay sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dison, Eser at Disan. 39Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Homam; si Timna ang kapatid na babae ni Lotan. 40Mga anak ni Sobal sina Alian, Manahat, Ebal, Sefi at Onam. Ang mga anak ni Zibeon ay sina Aias at Ana. 41Anak ni Ana si Dison. Si Dison naman ang ama ng magkakapatid na Hamram, Esban, Itran at Keran. 42Mga anak ni Eser sina Bilhan, Zaavan at Jaacan. Ang kay Disan naman ay sina Hus at Aran.
Ang mga Hari at Pinuno ng Edom
(Gen. 36:31-43)
43Ito ang mga naghari sa lupain ng Edom bago nagkaroon ng hari ang mga Israelita: si Bela na anak ni Beor at ang kanyang lunsod ay Dinhaba. 44Pagkamatay niya, siya'y pinalitan ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra. 45Nang mamatay si Jobab, si Husam na isang Temaneo ang pumalit sa kanya. 46Namatay si Husam at ang pumalit sa kanya ay isang taga-Avit, si Hadad na anak ni Bedad. Siya ang tumalo kay Midian sa lupain ng Moab. 47Pagkamatay ni Hadad, pumalit sa kanya bilang hari si Samla na taga-Masreca. 48Namatay din si Samla at pinalitan siya ni Saul na taga-Rehobot sa may Ilog Eufrates. 49Nang mamatay si Saul, pumalit sa kanya bilang hari si Baal-hanan na anak ni Acbor. 50Namatay si Baal-hanan at pumalit sa kanya si Hadad na taga-lunsod ng Pai. Si Hadad ang asawa ni Mehetabel na anak ni Matred. Si Matred ay anak na babae ni Mezahab.
51Pagkamatay ni Hadad, ang mga ito ang naging pinuno ng Edom: Timna, Alian, Jetet, 52Aholibama, Ela, Pinon, 53Kenaz, Teman, Mibzar, 54Magdiel, at Iram.
Kasalukuyang Napili:
1 Mga Cronica 1: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society