Yamang kami'y mga katulong sa gawain ng Diyos, nakikiusap kami sa inyo na huwag ninyong sayangin ang kagandahang-loob na ibinibigay sa inyo ng Diyos. Sapagkat sinasabi niya, “Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita, sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.” Ngayon na ang panahong nararapat! Ito na ang araw ng pagliligtas! Iniwasan naming makagawa ng anumang ipagdaramdam ninuman upang hindi mapulaan ang aming paglilingkod. Sa halip, sinisikap namin sa lahat ng paraan na ipakilalang kami'y lingkod ng Diyos, sa pamamagitan ng matiyagang pagtitiis sa lahat ng uri ng kahirapan, kapighatian at mga kagipitan. Kami'y hinagupit, ibinilanggo at binugbog. Naranasan namin ang magtrabaho nang labis, ang di matulog magdamag, at di kumain nang ilang araw. Namuhay kami nang malinis, may kaalaman, pagtitiis, at kabutihan upang ipakilalang kami'y lingkod ng Diyos sa patnubay ng Espiritu Santo at sa pamamagitan ng aming tapat na pag-ibig, tapat na pananalita, at ng kapangyarihan ng Diyos. Ang pagiging matuwid ang siya naming sandatang panlaban at panangga. Naranasan naming maparangalan at siraan ng puri, ang laitin at papurihan. Kami'y itinuring na sinungaling, gayong totoo naman ang aming sinasabi; itinuturing na di kilala, gayong kami'y kilalang-kilala; itinuturing na namamatay na, ngunit buháy naman; pinaparusahan kami, subalit hindi kami namamatay. Inari kaming nalulungkot, ngunit laging nagagalak; mukhang naghihirap, ngunit pinapayaman namin ang marami; parang walang-wala, ngunit sagana sa lahat ng bagay. Mga kapatid na taga-Corinto, tapatan ang pagsasalita namin sa inyo. Ibinukas namin ang puso namin sa inyo.
Basahin 2 Mga Taga-Corinto 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Mga Taga-Corinto 6:1-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas