Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Timoteo 3:10-17

2 Timoteo 3:10-17 RTPV05

Ngunit sinunod mo ang aking itinuro sa iyo, ang aking ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at katapatan. Nasaksihan mo ang mga pag-uusig at paghihirap na dinanas ko sa Antioquia, Iconio at Listra. Napakahirap ng dinanas ko! Ngunit sa lahat ng iyon ay iniligtas ako ng Panginoon. Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig, samantalang ang masasama ay lalo namang magpapakasama, at ang manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at sila man ay malilinlang din. Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga aral na natutuhan mo at matibay mong pinaniwalaan, sapagkat kilala mo ang mga nagturo nito sa iyo. Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 2 Timoteo 3:10-17