Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 12:13-17

Mga Gawa 12:13-17 RTPV05

Nang si Pedro ay kumatok sa pinto, lumapit si Roda na isang katulong upang tingnan kung sino iyon. Nakilala niya agad ang tinig ni Pedro, at sa laki ng tuwa ay hindi na nagawang buksan ang pinto. Sa halip, tumakbo siyang papasok at sinabi sa lahat na si Pedro ay nasa pintuan. “Nahihibang ka ba?” sabi nila. Ngunit iginiit niyang naroroon nga si Pedro. Kaya't sinabi nila, “Baka naman anghel niya iyon!” Samantala patuloy na kumakatok si Pedro. Nang buksan nila ang pinto, nakita nga nila si Pedro at hindi sila makapaniwala. Sila ay sinenyasan niyang tumahimik. Pagkatapos, isinalaysay niya kung paano siya inilabas ng Panginoon mula sa bilangguan. “Sabihin ninyo ito kay Santiago at sa mga kapatid,” sabi pa niya. Pagkatapos, umalis siya at nagpunta sa ibang lugar.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Gawa 12:13-17