Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Amos 3:7-15

Amos 3:7-15 RTPV05

Tunay na ang Panginoong Yahweh ay di kumikilos, kung hindi pa ipinababatid sa mga lingkod niyang propeta. Kapag umungal ang leon, sino ang hindi matatakot? Kapag nagsalita ang Panginoong Yahweh, sinong hindi magpapahayag? Ipahayag mo sa mga nakatira sa mga tanggulan ng Asdod, at sa mga tanggulan ng Egipto, “Magtipon kayo sa mga bundok ng Samaria, tingnan ninyo ang malaking kaguluhan doon, maging ang nagaganap na pang-aapi sa lunsod.” “Hindi na nila alam ang paggawa ng mabuti,” sabi ni Yahweh. “Ang mga bahay nila'y punung-puno ng mga bagay na kinamkam sa pamamagitan ng karahasan at pagpatay. Kaya't lulusubin sila ng isang kaaway, wawasakin ang kanilang mga tanggulan, hahalughugin ang kanilang mga tahanan.” Sabi pa ni Yahweh, “Kung paanong walang maililigtas ang isang pastol sa tupang sinila ng isang leon, liban sa dalawang paa't isang tainga. Iilan din ang ililigtas ng Diyos sa mga Israelitang nakatira ngayon sa Samaria at nakahiga sa magagarang higaan. “Pakinggan ninyong mabuti ito at babalaan ang mga anak ni Jacob,” sabi ng Panginoong Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. “Sa araw na parusahan ko ang mga taga-Israel dahil sa kanilang mga kasalanan, wawasakin ko ang mga altar sa Bethel, at malalaglag sa lupa ang mga iyon. Wawasakin ko ang mga bahay na pantaglamig at pantag-araw. Guguho ang mga bahay na yari sa garing; ang malalaking bahay ay wawasaking lahat.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Amos 3:7-15