Ang Mangangaral 1
1
Walang Kabuluhan ang Lahat
1Ito ang mga katuruan ng Mangangaral, ang anak ni David na hari ng Israel.
2“Napakawalang kabuluhan!#2 Napakawalang kabuluhan: o kaya'y Napakalaking palaisipan. Napakawalang kabuluhan;#2 Napakawalang kabuluhan: o kaya'y Napakalaking palaisipan. lahat ay walang kabuluhan,”#2 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan. sabi ng Mangangaral. 3Nagpapakapagod ka nang husto sa pagtatrabaho sa mundong ito.
Ngunit para saan ba ang mga pagpapagod na ito? 4Patuloy#Ecc. 14:18. ang pagpapalit-palit ng mga lahi ngunit hindi nagbabago ang daigdig. 5Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan. 6Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga, buong araw na paikut-ikot. 7Lahat ng tubig ay umuuwi sa dagat ngunit hindi ito napupuno. Ang tubig ay bumabalik sa batis na pinagmulan upang muling umagos patungong karagatan. 8Ang lahat ng bagay ay nakababagot, hindi makayanang ipaliwanag. Walang sawa ang paningin ng tao; walang tigil ang kanyang pakinig. 9Ang naganap noon ay nangyayari rin ngayon. Ang mga nagawa noon ay nagagawa rin ngayon; walang bagong pangyayari sa mundong ito. 10Ang sabi ng iba, “Halikayo! Ito'y bago.” Ngunit naganap na iyon noong di pa tayo tao. 11Hindi na maalala ang mga nauna. At ang nangyayari ngayon ay malilimutan din sa hinaharap.
Ang Karanasan ng Mangangaral
12Ako, ang Mangangaral, ay naging hari ng Israel. 13Siniyasat ko at pinag-aralang mabuti ang lahat ng bagay sa buong mundo. At nakita kong ang tao'y itinalaga ng Diyos sa matinding paghihirap. 14Nakita kong ang lahat ng gawa ng tao sa mundong ito ay walang kabuluhan;#14 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan. ito'y tulad lang ng paghahabol sa hangin. 15Hindi na maitutuwid ang baluktot at hindi na maibibilang ang wala.
16Sinabi#1 Ha. 4:29-31; Ecc. 47:14-18. ko sa aking sarili, “Ang karunungan ko'y higit sa sinundan kong mga hari ng Jerusalem. Alam ko kung ano ang tunay na karunungan at kaalaman.” 17Pinag-aralan kong mabuti ang pagkakaiba ng karunungan at ng kamangmangan, ng katalinuhan at ng kabaliwan. Ngunit napatunayan kong ito rin ay tulad lang ng paghahabol sa hangin. 18Habang lumalawak ang karunungan ay dumarami ang alalahanin, at habang dumarami ang nalalaman ay lalong tumitindi ang kapighatian.
Kasalukuyang Napili:
Ang Mangangaral 1: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society