Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hosea 1

1
1Ang#2 Ha. 15:1-7; 2 Cro. 26:1-23; 2 Ha. 15:32-38; 2 Cro. 27:1-8; 2 Ha. 16:1-20; 2 Cro. 28:1-27; 2 Ha. 18:1–20:21; 2 Cro. 29:1–32:33; 2 Ha. 14:23-29. aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Yahweh kay Hosea, na anak ni Beeri. Si Yahweh ay nagpahayag sa kanya noong panahon ng paghahari sa Juda nina Uzias, Jotam, Ahaz, at Hezekias. Si Jeroboam na anak ni Jehoas ang hari noon ng Israel.
Ang Asawa at mga Anak ni Hosea
2Nang unang mangusap si Yahweh sa Israel sa pamamagitan ni Hosea, sinabi niya, “Mag-asawa ka ng isang babaing nakikipagtalik sa iba-ibang mga lalaki. Magkaroon ka ng mga anak sa kanya. Sapagkat katulad din ng babaing iyan, ang mga tao sa lupaing ito ay nagtaksil sa akin.”
3Napangasawa nga ni Hosea si Gomer na anak ni Diblaim. Di nagtagal, ang babae ay naglihi at nanganak ng isang lalaki. 4Sinabi#2 Ha. 10:11. ni Yahweh kay Hosea, “Jezreel#4 JEZREEL: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “ikinalat ng Diyos (bilang parusa)”. ang ipapangalan mo sa bata sapagkat paparusahan ko ang sambahayan ni Jehu dahil sa maramihang pagpaslang sa Jezreel at wawakasan ko ang kaharian ng Israel. 5Sa araw na iyon, wawasakin ko sa libis ng Jezreel ang lakas ng hukbong Israel.”
6Naglihing muli si Gomer at isang babae naman ang kanyang naging anak. Sabi ni Yahweh kay Hosea, “Tawagin mo siyang Lo-ruhama#6 LO-RUHAMA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “hindi kahahabagan”. sapagkat hindi ko na kahahabagan ni patatawarin man ang Israel. 7Ngunit kahahabagan ko ang sambahayan ni Juda. Ililigtas ko sila, subalit hindi sa pamamagitan ng pana, tabak, digmaan, mga kabayo, ni ng mga mangangabayo man, kundi sa pamamagitan ng sarili kong kapangyarihan.”
8Nang si Lo-ruhama ay mahiwalay na sa pagpapasuso ng ina, naglihi muli si Gomer at nagsilang ng isang lalaki. 9At sinabi ni Yahweh, “Tawagin mo siyang Lo-ammi,#9 LO-AMMI: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “hindi ko bayan”. sapagkat ang Israel ay hindi ko na ituturing na aking bayan at hindi na ako ang kanilang Diyos.”
Ang Israel ay Panunumbalikin
10Gayunma'y#Ro. 9:26. magiging kasindami ng buhangin sa dagat ang bilang ng mga taga-Israel, hindi mabibilang dahil sa sobrang dami. Ngayo'y sinabi sa kanila, “Kayo'y hindi ko bayan,” ngunit darating ang panahon na sasabihin sa kanila, “Kayo ang mga anak ng Diyos na buháy.”
11Muling magkakasama ang mga taga-Juda at mga taga-Israel; itatalaga nila ang isang pinuno, at muli silang uunlad at magiging sagana sa kanilang lupain. Ang araw na iyon ay magiging isang dakilang araw sa Jezreel.

Kasalukuyang Napili:

Hosea 1: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in