Kinabukasan, minabuti ni Jesus na pumunta sa Galilea. Nakita niya roon si Felipe at sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka at maglingkod sa akin.” Si Felipe ay taga-Bethsaida, tulad nina Andres at Pedro. Nakita ni Felipe si Nathanael at sinabi niya dito, “Natagpuan na namin ang tinutukoy ni Moises sa kanyang isinulat sa aklat ng Kautusan at gayundin ng mga propeta. Siya'y si Jesus na taga-Nazaret, na anak ni Jose.” “May mabuti bang maaaring magmula sa Nazaret?” tanong ni Nathanael. Sumagot si Felipe, “Halika't tingnan mo.” Nang malapit na si Nathanael ay sinabi ni Jesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita. Wala siyang anumang pagkukunwari.” Tinanong siya ni Nathanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Jesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” Sumagot si Nathanael, “Guro, kayo nga po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” Sinabi ni Jesus, “Sumampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Higit pa riyan ang masasaksihan mo.” At sinabi niya sa kanya, “Pakatandaan mo: makikita ninyong bukás ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”
Basahin Juan 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Juan 1:43-51
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas