Job 17
17
1Gulung-gulo ang aking isipan, bilang na ang aking mga araw,
hinihintay na ako ng libingan.
2Pinagmamasdan ko ang sa akin ay lumalait, mga salita nila'y lubhang masasakit.
3O Diyos, ako'y tapat, kaya sa aki'y magtiwala,
ikaw lang ang makapagpapatunay sa aking mga salita.
4Isip nila'y sinarhan mo upang di makaunawa;
laban sa akin, huwag nawa silang magtagumpay.
5Siyang dahil sa salapi ay nagtataksil sa mga kaibigan,
kanyang mga anak ang siyang mawawalan.
6Ako ngayo'y pinag-uusapan ng buong bayan,
pinupuntahan pa upang maduraan lamang.
7Halos ako'y mabulag dahil sa kalungkutan,
kasingnipis ng anino ang buo kong katawan.
8Mga nagsasabing sila'y tapat sa akin ay nagulat,
ang mga walang sala, sa aki'y nanunumbat.#8 sa aki'y nanunumbat: o kaya'y nagalit sa mga hindi kumikilala sa Diyos.
9Ngunit ang mga matuwid ay lalong naniniwala,
at lalo pang nahikayat na sila nga ang tama.
10Subalit silang lahat, humarap man sa akin,
wala akong maituturo na may talinong angkin.
11“Tapos na ang mga araw ko, bigo ang aking mga plano,
ang aking pag-asa'y tuluyan nang naglaho.
12Sabi nila, ang gabi ay araw na rin,
malapit na raw ang liwanag,
ngunit alam kong ako'y nasa dilim pa rin.
13Ang tanging pag-asa ko'y ang daigdig ng mga patay,
at sa kadiliman doon ako mahihimlay.
14Ang hukay ay tatawagin kong ama,
at ang mga uod ay ituturing kong mga kapatid at ina.
15Nasaan nga ang aking pag-asa,
sino ang dito ay makakakita?
16Madadala ko ba ito sa daigdig ng mga patay,
sasama ba ito sa alabok na hantungan?”
Kasalukuyang Napili:
Job 17: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: