Job 18
18
Inilarawan ni Bildad ang Wakas ng Masama
1Sumagot si Bildad na Suhita,
2“Kay rami naman ng iyong sinasabi,
tumahimik ka muna at pakinggan kami.
3Kami ba'y ano sa iyong palagay?
Mga bakang hangal at walang nalalaman?
4Sarili mo lang ang iyong sinasaktan, dahil sa galit na iyong tinataglay.
Pababayaan ba ang daigdig dahil lamang sa iyo,
at aalisin ang mga bundok sa kanilang puwesto?
5“Ang#Job 21:17. ilaw ng masama'y tiyak na papatayin,
ang kanyang apoy ay di na papaningasin.
6Ang ilaw sa kanyang tahana'y pagdidilimin.
7Ang matatag niyang hakbang ngayon ay nabubuwal,
pagbagsak niya'y nalalapit sa kanya ring kasamaan.
8Di niya namamalayang ang kanyang mga paa ay sa bitag pupunta,
9kaya naman nasisilo itong kanyang mga paa.
10Isang silo ang sa kanya'y iniumang,
may bitag na nakahanda sa kanyang daraanan.
11“Saanman siya bumaling, takot ay naghihintay;
sinusundan siya nito sa bawat hakbang.
12Mayaman siya noon ngunit ngayo'y hikahos,
naghihintay sa kanya'y hirap at pagdarahop.
13Nakamamatay na sakit, sa katawan niya'y kumakalat,
mga bisig at paa niya'y unti-unting naaagnas.
14Dati siya'y panatag sa kanyang tahanan;
ngayo'y kinakaladkad patungo kay Kamatayan.
15May iba nang nakatira doon sa dati niyang tahanan,
matapos malagyan ng gamot at malinis nang lubusan.
16Ang kanyang mga ugat at mga sanga, lahat ay natuyo at pawang nalanta.
17Lahat niyang alaala ay napawi nang lubusan;
nakalimutan nang lahat pati kanyang pangalan.
18Mula sa liwanag, inihagis siya sa karimlan,
at pinalayas siya sa daigdig ng mga buháy.
19Isang anak man o apo ay wala siyang naiwan, ni isa'y walang natira sa kanyang sambahayan.
20Mula silangan hanggang kanluran, nanginginig at kinikilabutan
dahil sa kanyang matinding kasawian.
21Ang masasamang tao'y ganyan ang kapalaran,
mga di kumikilala sa Diyos ganyan ang kahihinatnan.”
Kasalukuyang Napili:
Job 18: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: