Job 19
19
Naniniwala si Job na Pawawalang-sala Siya ng Diyos
1Ang sagot ni Job,
2“Hanggang kailan ninyo ako pahihirapan
sa mga salitang inyong binibitawan?
3Maraming ulit na ninyo akong nilait,
di na kayo nahiya na sa aki'y magmalabis.
4Kung nakagawa man ako ng kasalanan;
walang ibang mananagot kundi ako lamang.
5Akala ninyo kayo'y mas mabuti kaysa akin,
pinagbabatayan ninyo'y ang hirap kong pasanin.
6Dapat ninyong malaman, ang Diyos ang may gawa nito;
ang bitag niyang iniumang ay nasa paligid ko.
7Tumututol ako sa ganitong karahasan,
ngunit walang nakikinig
sa sigaw kong katarungan.
8Hinarangan ng Diyos ang aking daraanan;
binalot niya ng dilim ang landas kong lalakaran.
9Inalis niyang lahat ang aking kayamanan,
sinira pa niya ang aking karangalan.
10Saanman ako bumaling, ako'y kanyang pinapalo,
parang punong binunot, pag-asa ko'y natutuyo.
11Matindi ang galit ng Diyos sa akin;
isang kaaway ang sa aki'y kanyang turing.
12Ang hukbo niya ay tinipon at ako ay kinubkob,
ang aking tahanan ay kanilang sinakop.
13“Ang mga kapatid ko'y pinalayo niya sa akin;
mga dating kakilala, hindi na ako pinapansin.
14Pati mga kamag-anak ko'y nag-alisan; naiwan akong walang kaibigan.
15Dati kong mga panauhi'y di na ako kilala;
para na akong dayuhan sa aking mga alila.
16Ang utos ko sa kanila'y hindi na rin pinapansin,
makiusap man ako'y ayaw pa rin akong sundin.
17Pati na ang asawa ko'y nandidiri sa akin;
mga kapatid ko sa laman, ayaw akong makapiling.
18Ako'y kinukutya ng mga batang paslit; kapag ako'y nakita, pinagtatawanan at nilalait.
19Mga#Ecc. 6:8. kaibigan kong matalik sa akin ay nasusuklam,
ang mga minamahal ko, ako'y nilalayuan.
20Buto't balat na lamang ang natitira sa akin,
ang pag-asa kong mabuhay, maliit na at katiting.
21Mga kaibigan ko, sa akin sana'y mahabag;
kamay na ng Diyos ang sa aki'y humahampas.
22Bakit n'yo ako inuusig tulad ng ginagawa ng Diyos?
Di pa ba kayo masaya sa kahirapan kong lubos?
23“Ang mga salita ko sana'y maisulat
at maitala sa isang buong aklat!
24At maiukit sa bato itong mga sinabi ko
upang habang panaho'y mabasa ng mga tao.
25Ngunit alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas,#25 Ngunit…Tagapagligtas: o kaya'y Ngunit alam kong buháy ang aking Tagapagligtas.
na magtatanggol sa akin pagdating ng wakas.
26Pagkatapos na maubos itong aking buong balat,
makikita ko ang Diyos kahit laman ay maagnas.
27Siya'y aking mamamasdan, at mukhaang makikita;
siya'y makikilala nitong aking mga mata.
Ang puso ko'y nananabik na masdan ko na siya.
28“Ako ay patuloy ninyong uusigin,
pagkat iniisip ninyong ang sala nga ay sa akin.
29Kayo sana ay mag-ingat sa talim nitong tabak,
na siyang maghahatid ng parusa sa kasalanan,
upang inyong malamang may hahatol nga sa wakas.”
Kasalukuyang Napili:
Job 19: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society

: