Job 27
27
Ipinaliwanag ni Job ang Bahagi ng Masama
1Muling tumugon si Job,
2“Isinusumpa ko sa Diyos na sa aki'y nagkait ng katarungan,
sa Makapangyarihang Diyos na nagdulot sa akin ng kapaitan.
3-4Habang mayroon akong hininga na Diyos ang nagbibigay,
ang labi ko'y walang bibigkasing kasinungalingan,
ang aking sasabihin ay pawang katotohanan.
5Hindi ko matatanggap na kayo ang may katuwiran,
igigiit hanggang kamatayan na ako'y walang kasalanan.
6Hindi ko isusuko ang aking katuwiran,
budhi ko'y malinis, di ako sinusumbatan.
7“Parusahan nawa ang lahat ng sa aki'y lumalapastangan;
ituring nawa silang lahat na makasalanan.
8Ang makasalana'y mayroon pa bang pag-asa,
kapag binawi na ng Diyos ang buhay na taglay niya?
9Pagsapit ng kaguluhan, papakinggan kaya ng Diyos ang kanyang panawagan?
10Ito kaya ay mananalig sa Makapangyarihan
at sa lahat ng araw, Diyos ay tatawagan.
11“Ang kalooban ng Diyos, sa inyo'y sasabihin
at aking ihahayag ang nais niyang gawin.
12Ang lahat ng ito'y inyo namang nalalaman,
subalit ang salita ninyo'y pawang walang kabuluhan.”
13Ang sagot ni Zofar:
“Sa masama ay ganito ang inihanda ng Diyos,
sa mararahas ay ito ang parusang ibubuhos:
14Magkakaanak sila ng marami
ngunit mamamatay sa digmaan,
ang kanilang mga anak, gutom ang mararanasan.
15Ang matitirang buháy, sa salot mamamatay,
ngunit kanilang mga biyuda, hindi sila tatangisan.
16Kahit siya'y makaipon ng malaking kayamanan
o kaya'y magkaroon ng maraming kasuotan,
17isa man sa mga iyon ay di niya papakinabangan,
mapupunta sa matuwid ang lahat niyang kayamanan.
18Sapot lamang ng gagamba#18 Sapot lamang ng gagamba: Sa ibang manuskrito'y kaya'y pugad ng ibon. ang katulad ng kanyang bahay,
parang kubo lamang ng mga aliping bantay.
19Matutulog ang mayaman ngunit hanggang doon na lang;
pagmulat ng kanyang mata, ari-arian niya ay wala na.
20Mga kasawian ay parang bahang darating,
tatangayin ng ipu-ipo pagsapit ng dilim.
21Matinding hanging silangan, sa kanya ay tatangay, tuluyan siyang mawawala at di na makikita.
22Patuloy siyang babayuhin nang walang pakundangan,
ang kapangyarihan nito'y sisikapin niyang matakasan.
23Sa bandang huli, hangin ay magagalak
pagkat itong masama, tuluyan ng bumagsak.
Kasalukuyang Napili:
Job 27: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society