Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 3

3
Dumaing si Job sa Diyos
1Pagkaraan#Jer. 20:14-18. ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job at isinumpa ang araw nang siya'y isilang.
2Ito ang kanyang sinabi:
3“Hindi#Ecc. 23:14. na sana ako ipinanganak pa
at hindi na rin sana ako ipinaglihi.
4Nabalot na sana ng dilim
at huwag mo na sanang maalala pa ang araw na iyon, O Diyos.
Huwag mo na sanang pasikatan pa ito ng liwanag.
5Nanatili na lamang sana ito sa takip ng kadiliman,
at nabalot ng ulap, upang huwag nang sikatan ng araw.
6Nalagas sana ito sa tangkay ng panahon,
at hindi na napabilang sa aklat ng kasaysayan.
7Ang gabing iyon sana'y malumbay; wala na sanang sigaw ng kagalakan,
8at sumpain ng mga salamangkerong
nagpapaamo ng dambuhalang Leviatan.#8 LEVIATAN: Isang mala-alamat na dambuhalang halimaw sa karagatan na sumisimbolo sa kaguluhan at kasamaan.
9Huwag na sanang sumikat ang bituin sa umaga,
at huwag na sanang sundan ng umaga ang gabi.
10Sumpain ang gabi ng aking pagsilang
na nagdulot sa akin ng ganitong kahirapan.
11“Bakit hindi pa ako namatay sa tiyan ng aking ina,
o kaya'y noong ako'y isilang niya?
12Bakit kaya ako ay idinuyan pa, kinalong, inalagaan,
at binigyan ng gatas sa dibdib niya?
13Kung namatay ako noon, ako sana'y tahimik na, mahimbing na natutulog at nagpapahinga.
14Katulad ng mga hari at pinunong yumao,
na noong panahon nila'y nagtayo ng mga palasyo.
15Tahimik na sana ako tulad ng mga pinunong nakapag-imbak
sa kanilang bahay ng mga ginto at pilak,
16o tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak at hindi na nakakita pa ng liwanag.
17Sa libinga'y hindi na makakapanggulo ang mga masasama,
at doon ang mga napapagod ay makakapagpahinga.
18Doon, pati mga bihag ay wala nang ligalig,
wala nang mga sigaw at utos na mabagsik.
19Ang mga abâ at mga dakila ay sama-sama roon,
ang mga alipin ay malaya na sa kanilang panginoon.
20“Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lamang?
At bakit pa binuhay kung daranas din lang ng kahirapan?
21Kamataya'y#Pah. 9:6. hinahanap ngunit hindi matagpuan,
hinuhukay at ninanais higit pa sa kayamanan.
22Sa kanila'y ubod-tamis nitong kamatayan.
23Ano kaya ang dahilan at ang tao'y isinilang,
kung inilihim naman ng Diyos ang kanyang patutunguhan?
24Karaingan ang aking pagkain,
pagtitiis ang aking inumin.
25Ang kinatatakutan ko ang siyang nangyari sa akin, at ang pinakaaayawan ko ang dumating sa akin.
26Hindi ako mapalagay, wala akong kapayapaan,
kaguluhan sa buhay ko ay walang katapusan.”

Kasalukuyang Napili:

Job 3: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in