Malapit na sa Jerusalem nang sila ay dumaan sa Bethfage, sa Bundok ng mga Olibo. Inutusan ni Jesus ang dalawa sa kanyang mga alagad, “Pumunta kayo sa susunod na nayon at makikita ninyo kaagad doon ang isang inahing asno na nakatali, kasama ang kanyang anak. Kalagan ninyo ang mga iyon at dalhin sa akin. Kapag may nagtanong sa inyo, sabihin ninyong kailangan iyon ng aming Panginoon at ipapaubaya niya agad ang mga iyon sa inyo.” Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta: “Sa lunsod ng Zion ay ipahayag ninyo, ‘Tingnan mo, ang hari mo'y dumarating. Siya'y mapagpakumbabá; masdan mo't siya'y nakasakay sa isang asno, at sa isang batang asno na anak ng isang babaing asno.’” Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Jesus. Dinala nila kay Jesus ang inahing asno at ang anak nito, at isinapin sa likod ng mga ito ang kanilang balabal. Pagkatapos, sumakay dito si Jesus. Maraming naglatag ng kanilang balabal sa daan; mayroon namang pumutol ng mga sanga ng kahoy at ito'y inilatag sa daan. Nagsisigawan ang mga taong nauuna at sumusunod sa kanya. Sigaw nila, “Purihin ang anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Diyos!” Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, nagulo ang buong lunsod. “Sino kaya ito?” tanong nila. “Si Jesus, ang propetang taga-Nazaret sa Galilea,” sagot ng karamihan.
Basahin Mateo 21
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 21:1-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas