Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 26:17-20

Mateo 26:17-20 RTPV05

Dumating ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, “Saan po ninyo nais na maghanda kami ng hapunang pampaskwa?” Sumagot siya, “Puntahan ninyo sa lunsod ang isang tao at sabihin ninyo sa kanya, ‘Ipinapasabi po ng Guro na sumapit na ang kanyang oras. Siya at ang mga alagad niya'y sa bahay ninyo kakain ng hapunang pampaskwa.’” Sinunod ng mga alagad ang utos ni Jesus, at doo'y inihanda nga nila ang hapunang pampaskwa. Nang gabing iyon, dumulog sa mesa si Jesus, kasama ang Labindalawa.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 26:17-20