Samantala, si Pedro ay nakaupo noon sa patyo. Nilapitan siya ng isang utusang babae at sinabi sa kanya, “Kasamahan ka rin ni Jesus na taga-Galilea, hindi ba?” Ngunit nagkaila si Pedro sa harap ng lahat. “Wala akong nalalaman sa sinasabi mo,” sagot niya. Pumunta siya sa may pintuan at nakita siya ng isa pang utusang babae. Sinabi nito sa mga naroon, “Ang taong ito'y kasamahan ni Jesus na taga-Nazaret.” Muling nagkaila si Pedro, “Isinusumpa ko, hindi ko kakilala ang taong iyon!” Makalipas ang ilang sandali, lumapit kay Pedro ang mga naroon. Sabi nila, “Isa ka nga sa mga tauhan niya. Halatang-halata ka sa punto ng iyong pagsasalita.” Sumagot si Pedro, “Mamatay man ako! Talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan.” Pagkasabing-pagkasabi nito, tumilaok ang manok. Naalala ni Pedro ang sinabi ni Jesus, “Bago tumilaok ang manok, tatlong beses mo akong ikakaila.” Lumabas siya at tumangis nang buong kapaitan.
Basahin Mateo 26
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Mateo 26:69-75
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas