Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nehemias 9:16-17

Nehemias 9:16-17 RTPV05

Ngunit naging palalo ang aming mga ninuno, nagmatigas sila at sinuway ang mga utos mo. Hindi sila sumunod at nilimot ang mga himalang iyong ginawa para sa kanila. Naging matigas ang kanilang ulo at naglagay ng pinuno na mangunguna sa kanila pabalik sa pagkaalipin sa Egipto. Ngunit ikaw ay Diyos na mapagpatawad at mahabagin, hindi madaling magalit at sagana sa wagas na pag-ibig, kaya't sila'y hindi mo itinakwil.