Mga Kawikaan 18
18
1Ang taong makasarili ay humihiwalay sa karamihan,
at salungat sa lahat ng tamang isipan.
2Walang saysay sa mangmang ang lahat ng bagay,
ang nais lang niya'y ipakitang siya'y may alam.
3Pagsipot ng kasamaan, kasunod ay kahihiyan;
kapag nawala ang karangalan, kapalit ay kadustaan.
4Ang wika ng tao ay bukal ng karunungan,
parang dagat na malalim at malamig na batisan.
5Ang pagkiling sa may sala ay isang kamalian;
gayundin naman kung ipagkakait ang katarungan.
6Ang labi ng mangmang, bunga ay alitan,
at ang kanyang bibig, hatid ay kaguluhan.
7Kanyang bibig, maghahatid sa sariling kasiraan;
kanyang labi nama'y isang bitag na kahuhulugan.
8Ang tsismis ay masarap pakinggan,
gustung-gusto ng lahat na pag-uusapan.
9Ang taong batugan ay sinsama ng taong mapanira.
10Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan,
kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan.
11Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlungan,
akala niya'y maililigtas siya nito sa oras ng kapahamakan.
12Ang pagmamataas ay nagbubunga ng kapahamakan,
ngunit ang pagpapakumbaba, ay karangalan.
13Nakakahiya#Ecc. 11:8. at isang mangmang ang isang taong sumasagot sa tanong
na hindi naman niya nalalaman.
14Ang matatag na kalooban ay mabuti sa tao,
ngunit kung mahina ang loob, anong mangyayari rito?
15Ang matalino ay nagdaragdag ng kaalaman,
ang may unawa'y namumulot pa ng karunungan.
16Kung nais mapalapit sa maykapangyarihan,
magdala ng regalo, sa kanya ay ibigay.
17Ang unang pahayag ay inaakalang tama,
hangga't hindi naririnig, tanong ng kabila.
18Ang sigalot ay maaaring malutas sa palabunutan,
at mapagkasundo ang mahigpit na magkaaway.
19Ang kaibigang nasaktan ay higit pa sa lunsod na napapaderan,
ang di pagkakaunawaan ay mas matibay pa kaysa isang tarangkahan.
20Anumang sabihin ng tao ay kanyang pananagutan,
ayon sa kanyang salita siya'y gagantimpalaan.
21Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay,
makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.
22Ang#Ecc. 26:1-4. mabuting maybahay ay isang kayamanan;
siya'y pagpapala na si Yahweh lang ang may bigay.
23Ang mahirap ay lumalapit sa diwa ng pakiusap,
ngunit ang sagot ng mayama'y salitang mararahas.
24May pagkakaibigang madaling lumamig,
ngunit may kaibigang higit pa sa kapatid.
Kasalukuyang Napili:
Mga Kawikaan 18: RTPV05
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
© 2005 Philippine Bible Society