Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 22

22
1Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan,
kaysa pilak at ginto o anumang kayamanan.
2Kay Yahweh ay pareho ang mayama't mahirap,
pagkat siya ang may lalang sa kanilang lahat.
3Kung may dumarating na panganib, ang matalino'y nag-iingat,
ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak.
4Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh at ang kapakumbabaan
ay nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan.
5Sa landas ng masama ay may tinik at mga patibong,
at ang nagmamahal sa sarili ay umiiwas doon.
6Ituro#Ecc. 6:18. sa bata ang daang dapat niyang lakaran,
at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan.
7Ang mahirap ay nasa kapangyarihan ng mayaman,
ang nangangailangan ay alipin ng nagpapahiram.
8Ang naghahasik ng kasamaan ay mag-aani ng kamalasan,
at hindi magtatagal ang kanyang kasamaan.
9Ang mahirap ay bahaginan mo ng pagkain,
at tiyak na ikaw ay pagpapalain.
10Palayasin mo ang mga sulsol at mawawala ang alitan,
at matitigil ang kaguluhan pati pag-aaway.
11Ang magiliw mangusap at may pusong dalisay,
pati ang hari'y magiging kaibigan.
12Binabantayan ni Yahweh ang mga nag-iingat ng kaalaman,
ngunit di niya pinagtatagumpay ang salita ng mga mangmang.
13Ang tamad ay ayaw lumabas ng bahay,
ang idinadahila'y may leon sa daan.
14Ang salita ng mapang-apid ay isang patibong
at ang mga hindi nagtitiwala kay Yahweh ang nahuhulog doon.
15Likas sa mga bata ang pagiging pilyo,
ngunit sa pamamagitan ng palo, sila'y matututo.
16Ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayaman
ay mauuwi rin sa karalitaan.
Tatlumpung mga Kawikaan
17Pakinggan mo at pag-aralang mabuti ang aking mga ituturo. 18Ito'y magdudulot sa iyo ng kaligayahan kung isasaulo mo. 19Sinasabi ko ito sa iyo sapagkat nais kong si Yahweh ang iyong panaligan. 20Tatlumpu ang kawikaang ito. Bawat isa ay magandang panuntunan at magdudulot ng kaalaman. 21Ituturo nito sa iyo kung ano ang katotohanan. Sa gayon, may maisasagot ka kung may magtanong sa iyo.
-1-
22Huwag mong samantalahin ang kahinaan ng mahihirap, ni pagmalabisan ang dukha sa harap ng hukuman. 23Sapagkat ipagtatanggol sila ni Yahweh, at aagawan niya ang nang-agaw sa mga iyon.
-2-
24Huwag kang makipagkaibigan sa taong bugnutin, ni makisama sa taong magagalitin, 25baka mahawa sa kanila at sa bitag ay masilo.
-3-
26Huwag kang mangangako para sa utang ng iba, ni gumarantiya para sa kanya. 27Kapag hindi ka nakabayad, hindi ba't kukunin pati ang higaan mo?
-4-
28Huwag mong babaguhin ang mga hangganang itinayo, ito'y inilagay doon ng ating mga ninuno.
-5-
29Alam ba ninyo kung sino ang pinaglilingkuran ng mga mahusay magtrabaho? Sila'y naglilingkod sa mga hari, hindi sa mga alipin.

Kasalukuyang Napili:

Mga Kawikaan 22: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in