Gumawa na ng tahanan itong karunungan, na itinayo niya sa pitong patibayan. Nagpatay siya ng hayop, nagtimpla ng inumin, ang mesa ay inihanda, punung-puno ng pagkain. Katulong ay isinugo sa gitna nitong bayan, upang lahat ay abutin ng ganitong panawagan: “Ang kulang sa kaalaman, dito ngayon ay lumapit.” Sa mga mangmang ay ganito ang sinambit: “Halikayo't inyong kainin ang pagkain ko, at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo. Lisanin ang kamangmangan upang kayo ay mabuhay, at ang landas ng unawa ang tahakin at daanan.”
Basahin Mga Kawikaan 9
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 9:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas