1 Mga Taga-Corinto 12:17-19
1 Mga Taga-Corinto 12:17-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kung puro mata lamang ang buong katawan, paano ito makakarinig? Kung puro tainga lamang ang buong katawan, paano ito makakaamoy? Subalit inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban. Kung ang lahat ng bahagi ay pare-pareho, hindi iyan maituturing na katawan.
1 Mga Taga-Corinto 12:17-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy. Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling. At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan?
1 Mga Taga-Corinto 12:17-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kung puro mata lamang ang buong katawan, paano ito makakarinig? Kung puro tainga lamang ang buong katawan, paano ito makakaamoy? Subalit inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban. Kung ang lahat ng bahagi ay pare-pareho, hindi iyan maituturing na katawan.
1 Mga Taga-Corinto 12:17-19 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dahil kung ang buong katawan ay puro mata, paano ito makakarinig? At kung ang katawan ay puro lang tainga, paano ito makakaamoy? Ngunit nilikha ng Dios ang ating katawan na may ibaʼt ibang parte ayon sa kanyang nais. Kung ang katawan ay binubuo lamang ng isang parte, matatawag pa ba itong katawan?
1 Mga Taga-Corinto 12:17-19 Ang Biblia (TLAB)