1 Mga Taga-Corinto 12:4-6
1 Mga Taga-Corinto 12:4-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Iba't iba ang mga espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. Iba't iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba't iba ang mga gawaing iniatas, ngunit iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa ng mga iyon.
1 Mga Taga-Corinto 12:4-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Iba't iba ang mga espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. Iba't iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba't iba ang mga gawaing iniatas, ngunit iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa ng mga iyon.
1 Mga Taga-Corinto 12:4-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
May ibaʼt iba tayong kaloob, ngunit iisa lang ang Espiritung pinagmulan nito. May ibaʼt ibang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lang ang Panginoong pinaglilingkuran natin. Ibaʼt iba ang ipinapagawa ng Dios sa atin, ngunit iisa lang ang Dios na nagbibigay sa atin ng kakayahang gawin ang mga ito.
1 Mga Taga-Corinto 12:4-6 Ang Biblia (TLAB)
Ngayo'y may iba't ibang mga kaloob, datapuwa't iisang Espiritu. At may iba't ibang mga pangangasiwa, datapuwa't iisang Panginoon. At may iba't ibang paggawa, datapuwa't iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat.